PANOORIN: VP Duterte, Dapat Walang Financial Interest Sa Mga Korporasyon – IBP President
#SaTotooLang | Iginiit ni Integrated Bar of the Philippines president Allan Panolong na hindi dapat magkaroon ng financial interest si Vice President Sara Duterte sa mga korporasyon habang nanunungkulan.

Ayon kay Panolong, ito ay lalo na kung may transaksiyon ang mga ito sa isang local government unit.
Aniya, isa ito sa mga puntong nais patunayan ng prosecution sa impeachment trial.
Ipinaliwanag din niya na ang “loose investment” ay tumutukoy sa impormal o hindi naitalang investment.
Dagdag niya, hindi inaasahang maipapaliwanag ng iisang testigo ang lahat ng isyu, lalo’t nasa 27 saksi ang inilista ng depensa.
Binigyang-diin ni Panolong na walang nakasaad na exception sa probisyon ng 1987 Constitution, Article 7, Section 13, na nagbabawal sa ilang matataas na opisyal ng pamahalaan na magkaroon ng financial interest sa mga negosyo habang nanunungkulan.
Ayon kay Panolong, malinaw at mandatory ang pagbabawal na ito, direkta man o hindi direkta ang pagkakaroon ng financial interest.
Kabilang sa mga opisyal na tinutukoy sa probisyon ang pangulo at pangalawang pangulo.



.jpg?w=60&h=45&fit=crop&auto=compress)











