PANOORIN: Clingy? Mga Taga-Suporta, Dapat Mag-Move On Na Kay Robredo – Trillanes
#SaTotooLang | Sinabi ni dating senador Antonio Trillanes IV na si Sen. Risa Hontiveros ang kanyang ineendorso at sinusuportahan para sa susunod na presidential election.

Hinimok din niya ang mga umaasang magbabago pa ang isip ni Naga City Mayor Leni Robredo, dating bise presidente, na tanggapin ang desisyon nito at suportahan na lamang ang mga kandidatong handa at willing tumakbo.
“Bitawan na natin, ‘di ba? Eh para naman kayong mga clingy na boyfriend o girlfriend na inayawan na kayo eh, ‘wag na. Mag-move on na kasi iba ito.”
Iginiit din ni Trillanes na hindi dapat agad isama sa mga survey ang mga posibleng kandidato na wala namang interes tumakbo sa 2028 presidential elections.
Ayon kay Trillanes, natatabunan umano si Sen. Risa Hontiveros sa mga survey dahil kasama pa rin si Robredo, na una umanong napagpipilian ng mga respondent. Aniya, dapat nakatuon ang mga survey sa mga personalidad na nagpapahayag ng kahandaang tumakbo.
Leni Robredo Rules Out Presidential Bid














