PANOORIN: Mga Testigo Mula Sa Davao, Iisa Ang Hulma?
#SaTotooLang | Napansin ni law professor at abogadong si Lulu Reyes na tila iisa ang hulma ng mga testigong nagmula sa lokal na pamahalaan ng Davao at sa kampo ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Reyes, may mga testigong nag-aatubiling magsabi ng totoo, nalilito kapag tinatanong, o biglang nagsasabing hindi na nila maalala ang mga detalye.
Posible umanong na-coach ang mga ito kaya nawawala sa ayos kapag nahaharap sa hindi inaasahang mga tanong. Gayunman, hindi rin niya inaalis ang posibilidad na may mga testigong kumikilos nang ganoon dahil sa takot, pamimilit o pananakot.















