PANOORIN: NBI Senior Agent Calilung, Mas Tumibay Ang Kredibilidad Matapos Ang Cross-Examination – Litigation Lawyer
#SaTotooLang | Para kay litigation lawyer Jennifer Arlene Reyes, lalo pang tumibay ang kredibilidad ni John Mark Calilung matapos ang pagtatanong ng defense sa impeachment trial.

Aniya, naipaliwanag at naulit pa ang mga qualification ng testigo na isang National Bureau of Investigation senior agent, habang hindi aniya nakaapekto sa kanyang pagiging expert witness ang mga tanong kung abogado ba siya o kung siya mismo ang nagsagawa ng imbestigasyon.
Ayon pa kay Reyes, malaki ang naitulong ni Calilung sa naging takbo ng impeachment trial.
Aniya, nanatiling kalmado at malinaw ang kanyang mga sagot sa kabila ng mahigpit na pagtatanong, na aniya’y nagpapakita na handa ang prosecution sa paglilitis.
Iginiit din Reyes na kahit hindi mahigpit na pasok sa krimeng grave threats ang isang kilos, maaari pa rin itong maging batayan ng impeachment.
Aniya, kung ituturing ng senator-judges na hindi angkop sa isang bise presidente ang naturang asal, maaari itong pumasok sa konsepto ng betrayal of public trust sa ilalim ng Konstitusyon.















