This website requires JavaScript.

PANOORIN: Impeachment Trial, Mabagal Ang Usad – Dating IBP President

PANOORIN: Impeachment Trial, Mabagal Ang Usad – Dating IBP President
Private prosecutor Amando Virgil Ligutan questions National Bureau of Investigation senior agent John Mark Calilung, one of the House of Representatives’ prosecution's witness, during the second day of Vice President Sara Duterte’s impeachment trial on Tuesday, July 7, 2026.

Aniya, halos apat na oras ang ginugol sa unang testigo at mga video clips na matagal nang kilala ng publiko, ngunit hindi pa rin nakarating sa cross-examination.


Ayon pa sa abogado, hindi na sana kinailangang itanggi ng depensa ang ilang pangunahing video recordings sa impeachment trial kung pareho lamang naman ang kopyang hawak ng magkabilang panig.

Maaari sanang nagkaroon na lamang ng stipulation sa mga ebidensiyang wala namang tunay na pinagtatalunan upang mas mapabilis ang paglilitis, dagdag niya.

Binanggit din ni Cayosa na makatutulong sana kung may retired at experienced trial judge na tumulong sa paghawak ng pre-trial conference upang mas marami ang mapagkasunduang ebidensiya at mas kaunti na lamang ang pagdedebatehan sa mismong paglilitis.


Sang-ayon din si Cayosa sa ruling na hindi maaaring diktahan ng depensa kung paano ihaharap ng prosecution ang kanilang ebidensiya.

Aniya, maaari namang iprisenta ng depensa ang mga bahagi ng dalawang oras na video na makatutulong sa kanilang kaso kapag sila na ang nakatakdang maglahad ng ebidensiya.


Kung magpapatuloy ang ganitong kabagal na takbo ng paglilitis, baka mabagot na maging ang mga nanonood, pati na ang mga abogado, ayon pa kay Cayosa.

Narito ang buong panayam kay Cayosa: