This website requires JavaScript.

PANOORIN: Wala Na Ang “Invincible” Narrative Kay Sara Duterte; Tulfo Brand, Malakas – OCTA

PANOORIN: Wala Na Ang “Invincible” Narrative Kay Sara Duterte;  Tulfo Brand, Malakas – OCTA
Vice President Sara Duterte, Sen. Raffy Tulfo and Naga City Mayor Leni Robredo

Ayon kay OCTA Research president Ranjit Rye, mas nagiging dikit ang laban sa pagitan ng mga posibleng kandidato.

Sa one-on-one matchup nina Vice President Sara Duterte at Naga City Mayor Leni Robredo, siyam na percentage points na lamang ang agwat, habang bahagyang nangunguna naman ang Robredo-Sen. Raffy Tulfo tandem sa hypothetical tandem matchup.

Aniya, ipinapakita nito na wala nang maituturing na “invincible” o “inevitable” na political group na siguradong mananalo sa 2028.


Sa kanyang panayam, sinabi din ni Rye na ang pinakamahalagang takeaway sa bagong survey ng OCTA Research tungkol sa posibleng 2028 presidential race ay ang paghahanap ng voters ng alternatives.

Ayon kay Rye, mas nagiging competitive ang karera, kumpara sa dating dominado umano ng isang political group.

Gayunman, binigyang-diin niyang hypothetical at hindi predictive ang survey.

Aniya, kung dalawa o tatlo o higit pang tandem ang maglalaban, maaaring makinabang si Duterte dahil mas consolidated ang kanyang voter base at maaaring malusaw ang boto ng oposisyon.


Malakas din ang Tulfo brand, ayon kay Rye, dahil parehong nakakakuha ng suporta mula sa Gen Z at millennials sina Duterte, Robredo at Sen. Raffy Tulfo – age groups na bumubuo ng malaking bahagi ng voting population.

Aniya, malakas ang Tulfo brand sa National Capital Region at Visayas, kaya nagiging competitive ang posibleng Robredo-Tulfo tandem.

Mas transferrable rin umano ang Tulfo brand sa pagitan nina Raffy at Erwin Tulfo, habang nakikita rin ang pagiging transferrable ng Duterte brand kina Sen. Bong Go at Sen. Robin Padilla.

Sinabi ni Rye na sa nakalipas na 12 buwan ay nag-strengthen ang Robredo-Tulfo tandem, habang nananatiling dikit ang laban.

Aniya, isa sa mga dapat bantayan ang Visayas dahil marami pa ring undecided voters.