PANOORIN: Trillanes, Ibinunyag Ang Umano'y Tangkang Pakikipag-areglo Sa Kanya Ni Go
#SaTotooLang | Ibinunyag ni dating senador Antonio Trillanes IV na ilang beses umanong nagpadala si Sen. Bong Go ng mga emisaryo upang kumbinsihin siyang umatras sa kasong isinampa niya.

Former senator Antonio Trillanes IV files a plunder case against former president Rodrigo Duterte, Sen. Bong Go, and Go’s father and brother before the Office of the Ombudsman on Tuesday, Oct. 21, 2025. Photo by Michael Varcas, The Philippine STAR
Giit ni Trillanes, hindi siya mabibili ng pera at lalong ginaganahan siyang ituloy ang kaso.
Aniya, anim na taon siyang sinisilip ng administrasyon, pero wala raw napatunayang katiwalian laban sa kanya.
Hinamon niya din si Go na sagutin ang mga isyung ibinabato sa kanya, lalo na’t wala na umano itong “protektor.”
Giit ni Trillanes, aabot sa 200 kontrata ang napunta umano sa ama at kapatid ni Go, bagay na tinawag niyang conflict of interest.















