This website requires JavaScript.

PANOORIN: Mga Testigong Inilista Ng Depensa Ni VP Sara Duterte, Tinawag Na Ampao Ni Kapunan

PANOORIN: Mga Testigong Inilista Ng Depensa Ni VP Sara Duterte, Tinawag Na Ampao Ni Kapunan
House private prosecutor Lorna Kapunan talks to defense spokesperson Michael Poa before the start of Vice President Sara Duterte’s impeachment trial at the Senate on July 22, 2026. Photo by Ryan Baldemor, The Philippine STAR

#SaTotooLang | Tinataya ni House private prosecutor Lorna Kapunan na maaaring matapos ang pagharap ng mga testigo ng defense team ni Vice President Sara Duterte pagsapit ng Miyerkules.

Kinuwestiyon din niya ang bigat ng mga testigong inilista ng depensa, na tinawag niyang puro ampao.


Sa kanyang panayam nitong Huwebes, Nov. 5, sinabi din ni Kapunan na apat na accounting firms umano ang nilapitan ng defense ngunit tumangging magbigay ng expert testimony.

Kinuwestyon niya din ang mga witness ng defense dahil nakabatay umano sa dokumento ang unexplained wealth case; aniya, ang depensa lamang ni Duterte ay hindi niya alam ang mga transaksyon.

Giit ni Kapunan, bilang abogado, dapat alam ni Duterte ang konsepto ng absolute community of property kung saan, sa ilalim ng naaangkop na batas at rehimen, maaaring maging bahagi rin ng conjugal o community property ang mga ari-arian ng mag-asawa.

Sinabi niyang dapat alam ito ng isang taong nais mamuno sa gobyerno.

Ayon pa kay Kapuna, kalahating araw lamang ang kailangan para sa pagtatanong sa 16 banks at maaari umanong matapos ang presentation ng defense pagsapit ng Miyerkules.