This website requires JavaScript.

PANOORIN: Magkaiba Ang Trust Rating At Betrayal Of Public Trust – Kapunan

PANOORIN: Magkaiba Ang Trust Rating At Betrayal Of Public Trust – Kapunan
Lawyer Lorna Kapunan

Ayon sa kanya, ang usapin sa impeachment ay ang pananagutan at pagiging karapat-dapat ng isang opisyal na manatili sa puwesto.


Sinabi din ni Kapunan na ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte sa press conference ay maituturing na “public confession” at hindi lamang admission against interest.

Aniya, sa pananaw ng prosecution, nakatulong ang mga na-authenticate na video upang maiuugnay ang mga pahayag sa isyu ng betrayal of public trust at sa tanong kung karapat-dapat pa ang opisyal na manatili sa puwesto.


Ayon pa kay Lorna Kapunan, ipinakita ng testimonya ni National Bureau of Investigation Director Melvin Matibag ang ugnayan ng imbestigasyon sa usapin ng fitness to hold public office at betrayal of public trust.

Aniya, hindi dapat ituring na criminal case ang impeachment, kundi isang proseso upang matukoy kung ang isang impeachable official ay karapat-dapat pang manatili sa puwesto.


Sa panayam ng “Sa Totoo Lang” kay lawyer, political analyst at Ateneo Policy Center senior research fellow Michael Yusingco nitong Miyerkules, July 22, sinabi niyang sapat at kapani-paniwala ang mga ebidensiyang iniharap ngayong linggo upang patunayang may mga binitawang pagbabanta si Vice President .

Gayunman, sinabi niyang “‘yung link kung ang mga utterances na iyon ay betrayal of public trust at culpable violation of the Constitution, sa tingin ko medyo mahina,” kaya aniya’y iyon pa ang kailangang mas mapatibay ng prosekusyon.