PANOORIN: Hindi Na Kailangan Ng Lockdown Dahil Sa Influenza-Like Illnesses – Expert
#SaTotooLang | Ipinaliwanag ni infectious disease expert Dr. Nina Gloriani na hindi na kailangang magpatupad ng lockdown kahit may pagtaas ng mga kaso ng influenza-like illnesses.

Aniya, “endemic na tayo” at ang dapat lamang mag-“lockdown” ay ang mga may sintomas ng ubo, sipon, o lagnat – ibig sabihin, manatili muna sa bahay para hindi makahawa sa iba.
Paalala ni Dr. Gloriani, mahalaga pa rin ang public health precaution at sanitation kahit wala nang pandemic. Hindi raw kailangang magsuot ng face mask sa mga maaliwalas o ventilated na lugar, maliban na lang kung siksikan o kulob ang espasyo.
Dagdag pa niya, ang taunang flu vaccine ay malaking tulong para maiwasan ang malalang anyo ng sakit, kahit magbago pa ang strain ng virus.
Payo rin ng eksperto, panatilihing malakas ang resistensya hindi lang sa pag-inom ng vitamins kundi sa tamang tulog, balanseng pagkain, at pag-iwas sa bisyo, at pagpupuyat.















