This website requires JavaScript.

PANOORIN: Paano Nga Ba Makatutulong Ang Income Tax Returns Sa Pagbusisi Ng Yaman Ng Isang Public Official?

PANOORIN: Paano Nga Ba Makatutulong Ang Income Tax Returns Sa Pagbusisi Ng Yaman Ng Isang Public Official?
House committee on justice chairperson and Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro and vice chairperson San Juan Rep. Ysabel Zamora lead the impeachment hearing on April 29, 2026 where lawmakers debated on whether to open the green box containing the income tax returns of Vice President Sara Duterte.

Kabilang dito ang income tax returns, statements of assets, liabilities and net worth, audited financial statements, at Anti-Money Laundering Council records.

Iginiit din niyang ang pagpayag sa paglabas ng Bureau of Internal Revenue records ay bahagi ng pagsusulong ng transparency at accountability sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.


Itinuturing ni Luistro na “malaking relief” para sa prosekusyon ang pagpayag sa paglabas ng BIR records, kasunod ng nauna nang pagsusumite ng bank documents at AMLC records sa impeachment court.

Ayon kay Luistro, naniniwala siyang ang pagbigay ng awtoridad para sa disclosure ng BIR documents ay naaayon sa mandato ng transparency.

Dagdag pa niya, posibleng si BIR Commissioner Charlie Mendoza mismo ang naglatag ng legal na proseso hinggil sa kahilingan ng impeachment court para sa income tax records.


Naniniwala si Luistro na dapat maunang mabigyan ng access ang prosecution sa mga BIR, AMLC at bank records dahil sila ang humiling ng subpoena na inaprubahan ng impeachment court.

Ayon kay Luistro, tinutulan ng depensa ang kahilingan para sa mga dokumentong ito kaya nararapat lamang na maunang suriin ng prosecution ang mga ito.

Dagdag pa niya, hinihintay pa rin nila ang magiging abiso ng impeachment court kung kailan at paano ilalabas ang mga record.