This website requires JavaScript.

PANOORIN: ‘May Tao Dapat Sa Likod Ng Alias’

PANOORIN: ‘May Tao Dapat Sa Likod Ng Alias’
The signature of ‘Mary Grace Piattos’ has appeared the most times in acknowledgement receipts for confidential funds of offices under Vice President Sara Duterte, according to the House good government and public accountability panel in 2024.

Aniya, kailangang may totoong tao sa likod ng isang alias. Kung makumpirma ng PSA na walang kaukulang records ang mga pangalang ginamit, maaaring mapunta sa depensa ang burden na ipakita kung sino ang totoong taong nasa likod ng mga alias.

Sinabi din ni Reyes na hindi pa rin umano malinaw sa mga testimonya kung kinakailangan talaga ang paggamit ng confidential funds para sa mga programa ng Department of Education.

Pinuri ni Reyes ang mga tanong ng ilang senator-judges, partikular sina Sen. Bam Aquino at Sen. Francis Pangilinan, na aniya’y naglatag ng konkretong halimbawa para maikumpara ang aktuwal na gastos sa mga halagang nakasaad sa liquidation reports at matukoy kung saan napunta ang anumang sobrang pondo.

Dagdag pa ni Reyes, hindi umano si retired Lt. Col. Manaros Boransing II ang tamang tao upang mag-certify kung paano ginastos ang confidential funds dahil wala siyang sapat na impormasyon tungkol sa aktuwal na paggamit nito at sinabi mismo niyang hindi siya intelligence officer.

Ayon pa kay Reyes, may mga bagong detalye sa testimonya ni Col. Magtanggol Panopio na nakatutulong umanong buuin ang kuwento kung saan napunta at paano ginamit ang confidential funds.

Aniya, nilinaw sa testimonya na ang mga certification na isinumite ay nagpapatunay lamang na nagkaroon ng participation ang mga department at stakeholder sa Youth Leadership Summit activities, at hindi na ginagamit nang tama o ayon sa layunin ang confidential funds.

“Unti-unti nilang nabubuo o natatagpi-tagpi yung kuwento o puzzle na hindi maipaliwanag kung saan napunta ang confidential funds and kung saan ito ginamit,” ani Reyes.

Dagdag niya, may presumption sa ilalim ng batas at joint circular na kung hindi maipaliwanag kung saan ginamit ang confidential funds, maaaring ipalagay na ginamit ito para sa pansariling interes.